Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Guenter Schirrmacher, 67; Joey Almanon, 36, ng Brgy. Sinalaw Malaki, Alfonso, Cavite at George Avigar, 24, ng Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, si Schirrmacher na nagmamaneho ng kanyang sasakyan (DGS-469) ay sinalpok ng owner-type jeep (DLU-870) ni Jaime Torres sa kahabaan ng Aguinaldo Higway, Brgy. Kaybagal, Tagaytay City, samantala, si Almanon na nagmamaneho naman ng motorsiklo (PN-3619) ay sumalpok sa puno ng acasia sa Brgy. Mangas, Alfonso.
At si Avigar naman ay nahagip ng truck (WLX-987) na minamaneho ni Jimmy Bilango habang ang biktima ay tumatawid sa kahabaan ng Governors Drive sa Brgy. Old Bulihan, Silang, Cavite. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)