3 katao todas sa car mishap
March 24, 2002 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite Tatlo katao kabilang ang isang Aleman ang kumpirmadong nasawi sa naganap na aksidente sa magkakahiwalay na lugar sa nabanggit na lalawigan.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Guenter Schirrmacher, 67; Joey Almanon, 36, ng Brgy. Sinalaw Malaki, Alfonso, Cavite at George Avigar, 24, ng Brgy. Bulihan, Silang, Cavite.
Sa imbestigasyon ng pulisya, si Schirrmacher na nagmamaneho ng kanyang sasakyan (DGS-469) ay sinalpok ng owner-type jeep (DLU-870) ni Jaime Torres sa kahabaan ng Aguinaldo Higway, Brgy. Kaybagal, Tagaytay City, samantala, si Almanon na nagmamaneho naman ng motorsiklo (PN-3619) ay sumalpok sa puno ng acasia sa Brgy. Mangas, Alfonso.
At si Avigar naman ay nahagip ng truck (WLX-987) na minamaneho ni Jimmy Bilango habang ang biktima ay tumatawid sa kahabaan ng Governors Drive sa Brgy. Old Bulihan, Silang, Cavite. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest