Sulyap Balita
March 23, 2002 | 12:00am
Animoy kinatay na baboy ang katawan ng biktimang si Oscar Balasbas, may asawa ng Holy Infant Subd. ng naturang lugar, samantala, ang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato na pagpapakalat ng droga ay sabay-sabay nagsitakas matapos na masiguro na patay na ang kanilang target.
Ayon sa pulisya, naganap ang krimen bandang alas-12 ng hatinggabi habang ang biktima ay natutulog sa kanyang bahay nang pasukin ng mga killer. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)
Ayon kay P/Chief Insp. Glen Ares, hepe ng pulisya sa bayang ito, ang mga dinakip na turistang Koreano ay walang permiso na magsagawa ang nude photo session sa nabanggit na public park ngunit sinabi naman ng mga dayuhan na nakasuot naman ng flesh-colored tights ang dalawang babae na napagkamalang walang saplot sa katawan ng isang sekyu na siyang nagreklamo sa himpilan ng pulisya. (Ulat ng AFP)
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang nasa Bicol Medical Center na sina Jerry Tagle, 20; Salvador Boragay, 53 at Henry Batenga, 19, na pawang mga residente ng nabanggit na barangay.
Napag-alaman na kasalukuyang pinanonood ng mga biktima ang kanilang inihatid na kamag-anakan sa graduation party nang sumulpot ang mga killer at walang pasabing nagpaputok ng dalang baril. (Ulat ni Ed Casulla)
Kinilala ni Bulacan PNP provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, ang suspek na si Benedicto Parohinog, 27, may asawa, jobless ng nabanggti na barangay.
Ayon sa pulisya, si Parohinog ay nadakip dakong alas-3 ng hapon habang nakikipag-inuman ng alak sa ilang kaibigan at pinalalagay na ang suspek ay responsable sa panggagahasa sa isang pasaherong babae na kanilang hinoldap dahil sa positibong itinuro ito ng biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended