3 MNLF returnees todas sa ambush
March 23, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Tatlong Moro National Liberation Front (MNLF) returnees ang napaulat na nasawi makaraang tambangan ng isang grupo ng Civilian Volunteers Organization (CVO) sa kahabaan ng highway na sakop ng bayan ng Ampatuan, Maguindanao kamakalawa ng tanghali.
Nasawi dahil sa hindi nabatid na tama ng bala ng baril sa katawan ay sina Abdulgani Solaiman, 40; Arnel Sambolawan, 35 at Tony Abdulgani, 37, na pawang residente ng Barangay Dimaampao ng natuang lugar.
Samantala, nagsasagawa naman ng malawakang manhunt operation ang kapulisan ng Ampatuan upang madakip ang mga responsable sa pananambang na naganap bandang alas-12 ng tanghali.
Nabatid sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, lumalabas na sakay ng motorsiklo ang tatlo patungo sa bahay ni MNLF Kumander Paidomama nang harangin at tambangan ng grupo ni Pendatun Tatak na pinuno ng CVO sa naturang lugar.
May teorya ang pulisya na inakala ng mga suspek na muling babalik sa rebeldeng grupo ang mga biktima kaya tinambangan hanggang sa mapatay. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended