Bus hulog sa bangin; 4 patay , 33 sugatan
March 22, 2002 | 12:00am
NASUGBU, Batangas Apat katao ang iniulat na namatay, samantala, tatlumput tatlo ang nasugatan makaraang nahulog sa malalim na bangin ang sinasakyang pampasaherong bus ng mga biktima sa Brgy. Bayabasan sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa University of Sto. Tomas Hospital sina Danilo Panganiban ng Calatagan, at Darwin De Guzman ng Lian, Batangas; samantala sina Simeon Mayuga ng Kamias, Quezon City at isang di-pa nakikilalang babae ay namatay naman sa Apacible Memorial District Hospital.
Sugatan namang isinugod sa Apacible Memorial District Hospital, Nasugbu Doctors General Hospital, Ospital ng Tagaytay at Madonna General Hospital sina Julieta Vidal, 37; Jenny Ann Vidal, 3; Dyna Delfin, 33; April Inmezo, 19;. John Paul Torrres, 19; Gilbert Tagle, 23; Loreto Francisco, 62; Ricardo Masusi, 27; Binevenido Hernandez, 29; Jovy Gorecho, 30; Liza Manalo, 32; Cherry Aviar, 23; Nino Aviar, 3; Gilbert Mallari, 30; Moiselle Manalo, 7; Alyssa Manalo, 6; Terry Cris Mso; Jerson Arriola, 20; Luis Apasan, 49; Neil Torres, 32, Marissa Ochenada, 26; Davin Mendoza, 18; Danilo Gonzales, 24; Manuel Buceta, 81; Marilou Delos Reyes, 26; Cecilia Delos Reyes, 24; Joseph Arianza, 23; Efren Alcantara, 21; Reynaldo Austria, 36; Jemel Aviar, 25; Eduardo Manukan, 23; Rodolfo Cuadra, 26, bus conductor at Luzviminda Caisip, 43.
Batay sa ulat na isinumite kay P/Supt. Gaudencio Masangkay, hepe ng pulisya sa bayang ito, dakong alas-7 ng gabi nang binabagtas ng pampasaherong bus na BLTB (DWH-281) ang pa-zigzag na highway nang nahulog ang unahang gulong sa gilid ng kalsada saka nawalan ng kontrol ang driver na si Remer Mendoza, 36 at bumulusok sa malalim na bangin.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, ang pampasaherong bus ay mula sa Pasay City bus terminal patungong Calatagan, Batangas ng maganap ang aksidente. (Ulat nina Arnel Ozaeta at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended