Bartolome sa SBMA, Bibit sa CEZ
March 21, 2002 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Pormal nang itinalaga bilang bagong Bureau of Customs (BoC) District Collector ng Subic si Atty. Felipe Bartolome kapalit ni out-going District Collector Col. Billy Bibit matapos ang tatlong-buwang "krisis" sa usapin ng liderato ng BoC dito.
Sa simpleng seremonya na ginanap ng BoC sa Freeport, sinaksihan ang pagpapalit ng liderato at paglilipat ng simbolo ni newly appointed Customs Commissioner Antonio Bernardo kung saan pinangunahan din nito ang "graceful exit" at paglipat kay Bibit bilang bagong Customs Chief sa Clark Economic Zone sa Angeles City, Pampanga.
Ginawaran din ni Commissioner Bernardo si Bibit ng isang "plaque of recognition" bilang Most Outstanding District Collector ng taong ito makaraang dumoble ang kita ng kanilang collection target na umabot sa P1.3 bilyon noong nakalipas na taon lamang at may P2.7 bilyon namang karagdagan sa revenues mula sa payments of duties and taxes ng mga imported goods simula Enero hanggang Disyembre 2001.
Pinasalamatan naman ni Bibit sa kanyang maikling talumpati ang lahat ng kanyang mga tauhan sa BoC sa kanilang patuloy na suporta at kooperasyon na ibinigay sa kanya habang siya ay nasa posisyon pa na matapos siyang magtalumpati ay isang malakas at nakabibinging palakpakan ang iginawad mula sa BoC personnel bilang pasasalamat din kay Bibit. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
Recommended