Killer na Barangay Chairman tugis
March 21, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga operatiba ng Batangas PNP laban sa isang barangay chairman na bumaril at nakapatay sa isang 29-anyos na lalaki sa Sitio Bangkal, Brgy. Bulihan, Nasugbu, Batangas kamakalawa ng gabi.
Si Renato Limboc, alyas kapitan Ato ng Brgy. Bendita I, Magallanes, Cavite ay responsable sa pagkamatay ni Joe Gaa, ayon sa ulat ng pulisya.
Naganap ang krimen bandang alas-9 ng gabi makaraang makihalubilo ang suspek sa usapan ng biktima at ilang kaibigan nito tungkol sa nalalapit na barangay election.
Dahil sa maselang isyu ay nagtalo ang dalawa hanggang sa mapikon ang suspek at pagbabarilin na lamang ang biktima. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended