Dalaga nanlaban sa rapist, kritikal
March 21, 2002 | 12:00am
PAOMBONG, Bulacan Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 17-anyos na babae makaraang manlaban sa kapitbahay na rapist na nagresulta upang pagsasaksakin siya sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Buga, Brgy. San Isidro ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kaagad naman tumakas ang suspek na nakilalang si Marvin Telesporo matapos na mabigong isagawa ang maitim na balak sa biktimang itinago sa pangalang Melanie.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Omar Israel, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari dakong alas-10:30 ng gabi habang ang biktima ay nag-iisang nanonood ng telebisyon sa kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek na isasagawa sana ang panghahalay ngunit nanlaban ang dalaga kaya pinagsasaksak ng patalim. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest