2 tiklo sa 2 kilong cocaine
March 20, 2002 | 12:00am
CAMP CRAME Dalawang miyembro ng Hong Kong drug syndicate ang dinakip makaraang nakumpiskahan ng tinatayang aabot sa dalawang kilo ng high grade cocaine na nagkakahalaga ng P2 milyon sa dalampasigan ng Brgy. Sta. Cruz, Sta. Ana, Tuguegarao, Cagayan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Absalon Tobias at Armando Soriano, samantala, nakatakas naman ang kasamahang si Clemente Manaday makaraang makatunog na magsasagawa ng operasyon ang mga awtoridad.
Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nasabat sa mga suspek ang droga sa pamamagitan ng isang confidential agent kaya bumuo ng team ang Sta. Ana Police station upang masabat ang epektos.
Nabatid sa ulat na ang nasabat na cocaine ay bahagi ng naunang narekober na isang kilo noong Disyembre 15, 2001 sa Brgy. Daua, Gonzaga, Cagayan at dalawang kilo naman noong Mayo 30, 2001 sa Diora Ziningan, Sta. Ana ng naturang lugar.
Kasalukuyang nagpakalat na ng mga asset ang kapulisan sa mga dalampasigan upang mapigil ang pagdaung ng kilu-kilong cocaine na pinaniniwalaang naipakalat na sa karatig pook. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended