Killer ng seaman sumuko
March 20, 2002 | 12:00am
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite - Sumuko na kamakalawa ng hapon sa mga awtoridad ang killer na responsable sa pamamaril at pagkamatay ng isang seaman noong Lunes ng umaga sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas, Cavite.
Bandang alas-4 ng hapon nang nag-iisang magtungo sa tanggapan ng Special Operation Group (SOG) sa naturang kampo ang suspek na si PO2 Felix Lenoa, 27, binata, nakatalaga sa Southern Police District (SPD) sa Fort Bonifacio, Makati City at residente ng Mabuhay Homes ng nabanggit na barangay.
Sa ibinigay na salaysay ni Lenoa sa pulisya, "self-defense" lamang ang ginawa niya at hindi siya nagtatago sa mga awtoridad sa naganap na krimen.
Si Lenoa ang napaulat na nakabaril at nakapatay kay Luis Suansing, 39, may asawa at isang marino noong Lunes ng umaga dahil sa nadiskubre ng biktima na nanliligaw ang suspek sa kanyang anak na dalaga.
Dahil sa pangyayari ay kinompronta ng biktima si Lenoa at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napatay nito ang ama. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended