4 hijaker nasakote sa Cavite
March 20, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang responsable sa sunud-sunod na hijacking ng mga kargamento sa mga lalawigan ang nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Regional Investigation and Intelligence Division at 401st Police Mobile Group sa isinagawang operation sa safehouse ng mga suspek sa Brgy. Amoyong, Alfonso, Cavite.
Kinilala ni P/Chief Supt. Domingo Reyes, Jr.,PRO-4 regional director ang mga suspek na sina Gerry dela Cruz ng Sta. Cruz, Manila; Candido Prinsipe; Rene Brillante na kapwa residente ng Nagcarlan, Laguna at Danilo Bartolome, Jr. ng Sikatuna, Quezon City.
Samantala, sina Ado Santos at isang alyas Lito ay kasalukuyang tinutugis ng pulisya na kapwa kasamahan ng mga nadakip na hijacker.
Narekober sa safehouse ng mga suspek ang 750 sako ng asukal na nagkakahalaga ng P1 milyon, mga pekeng uniporme ng pulis at sasakyang Starex van (SFD-900).
Ang mga suspek ay nagpapanggap na mga kagawad ng pulisya kapag nagsasagawa ng modus operandi sa mga lalawigan ng Batangas at Laguna gamit ang nakumpiskang van.
Sinabi ni Reyes na ang pinakahuling nabiktima ng grupo ay ang kargamento na pag-aari ni Joey Magundayao na hinayjak sa Brgy., Tuy, Batangas noong Lunes ng hapon. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended