Sa 14-pahinang desisyon ni Regional Trial Court Judge Crisanto C. Concepcion ng 3rd Judicial Region, Branch 12, hinatulang mabitay sina Domingo Reyes y Paje; Joselito Flores y Victorio at Alvin Arnaldo y Avena na kabilang sa walong preso na nadakip ng mga alertong guwardiya sa tangkang pagpuga sa nabanggit na kulungan.
Bukod sa hatol na kamatayan ay pinagbabayad pa ang tatlong akusado ng halagang P.650 milyon bilang pinsala sa mga naulila ng mag-inang biktima.
Base sa record ng korte, ang tatlong akusado ay kasama sa pag-kidnap sa mag-asawang trader na sina Yao San at Chua Ong Ping Sim, dalawang anak, manugang, dalawang apo at 2 katulong na babae noong Hulyo 16, 1999.
Ayon sa record, tumawag ang mga akusado sa pamilya ng mga biktima noong Hulyo 18, 1999 at humihingi ng halagang P5 milyon ransom kapalit ng kalayaan ng mga biktima.
Napagkasunduang ihatid ang naturang halaga sa Litex Road, Fairview, Quezon City ngunit hindi dumating ang mga kidnaper hanggang sa napaulat na ang mag-inang biktima ay natagpuang patay at sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad ay nasakote naman ang mga akusado. (Ulat ni Efren Alcantara)