Seaman binaril ng pulis, dedo

DASMARIÑAS, Cavite – Namatay habang ginagamot sa Metro South Hospital ang isang seaman matapos na barilin ng isang pulis na nakatalaga sa Southern Police District Office (SPDO) kahapon ng umaga sa Brgy. Paliparan 3 ng bayang ito.

Kinilala ni SPO1 Carlito Gener ang biktimang si Luis Suansing, 39, may asawa at kararating pa lamang mula sa ibang bansa, samantala, ang suspek na mabilis namang nakatakas ay nakilalang si PO2 Felix Lenoa ng Block 27 Phase 3 ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga ay nagtalo umano ang dalawa dahil sa hindi matanggap ng biktima na pulis ang nanliligaw sa kanyang anak. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

Show comments