Sinabi ni Army Col. Essel Soriano, hepe ng Task Force Cotabato na ang home-made bomb na nadiskubre bago sumabog ay tumitimbang ng tatlong kilo na nakalagay sa cylinder na may Ammonium Nitrate at bateryang mekanismo upang sumabog.
Nadiskubre ang bomba makaraang mamataan ng mga istambay na kalalakihan ang kahina-hinalang kahon sa naturang lugar kaya kaagad nilang ipinagbigay-alam sa guwardiya ng naturang unibersidad saka ipinaabot sa pulisya.
Idinagdag pa ni Soriano na ang bomba ay na-detonated naman bago sumabog ng mga tauhan ng Armys 6th Ordance and Explosive Detachment sa pamumuno ni Capt. Ferdinand Escalante.
"Kung sakaling hindi nadiskubre ang bomba at sumabog ay aabot sa radius na 200 metro ang layo nito na posibleng marami ang nasawi dahil sa itinaon sa labasan ng mga estudyante ang pagsabog", ani Soriano.
Nabatid pa kay Soriano na ang nadiskubreng bomba ay ikawalo na simula pa noong Enero sa nabanggit na lungsod. (Ulat ni John Unson)