Pagtatanim ng kape inilunsad sa Zambales
March 14, 2002 | 12:00am
IBA, Zambales Inilunsad kamakalawa ng Department of Agrarian Reform ang kauna-unahang proyektong pagtatanim ng "kape" sa ginanap na seremonya sa Brgy. Sta. Rita, Masinloc, Zambales.
Nilagdaan na ang memorandum of agreement nina Gov. Vicente Magsaysay, Mayor Jesus Edora, Dave Santos, asst. vice-president sa agricultural services, Nestle Phils., Inc., Linda Hermogina, DAR regional director at Edson Arceo, provincial agrarian reform officer II.
Pinagkalooban din ng Certificate of Land Ownership Award (CLOA) ang may 40 magsasaka mula sa 70 ektaryang lupain na pagtataniman ng kape.
Nagbigay naman ng karagdagang P.5 milyon pondo si Zambales Gov. Vicente Magsaysay sa lokal na pamahalaan ng Masinloc upang idagdag sa naunang pondong nagkakahalagang P.2 milyon para sa nabanggit na proyekto. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended