^

Probinsiya

Pamangkin ni Wycoco todas, 5 pa grabe sa car mishap

-
CABANATUAN CITY — Isang 3rd year college student na pinaniniwalaang pamangkin ni NBI director Reynaldo Wycoco ang kumpirmadong nasawi, samantala, ang lima nitong kaibigan ay malubhang nasugatan makaraang tumaob ang sinasakyang kotse ng mga biktima sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Bitas ng lungsod na ito kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Joseph Wycoco, 20, at residente ng Doña Encarnacion St., Kapitan Pepe Subd. ng nabanggit na lungsod, samantala, ang mga grabeng nasugatan na ngayon ay nasa Premiere General Hospital ay nakilalang sina Jay Aries Peñaflor, 19; Bernard Sopongco; Wilson Nagaño, 19; Jonathan Virola, 18; at Franklin Macaraeg, 19, ng Brgy. Balite, Cabanatuan City.

Sa ulat ni P/Supt. Laverne Manangbao, hepe ng Cabanatuan PNP, naganap ang aksidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw matapos na iwasan ng kotseng Honda (UAR-945) na sinasakyan ng mga biktima ang trike na papalabas ng Provincial Hospital. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY BITAS

BERNARD SOPONGCO

CABANATUAN CITY

CHRISTIAN RYAN STA

ENCARNACION ST.

FRANKLIN MACARAEG

JAY ARIES PE

JONATHAN VIROLA

JOSEPH WYCOCO

KAPITAN PEPE SUBD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with