Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Ibrahim Pangalan at asawang si Nerigen, samantala, dalawang anak na grabeng nasugatan dahil sa tama ng sharpnel ay sina Laika at Dayang ng nabanggit na barangay.
Inaalam pa ng pulisya ang dahilan kung bakit hinagisan ng granada ang bahay ng pamilya Pangalan na naganap dakong alas-12:30 ng hatinggabi. (Ulat ni Doris Franche)
Ang biktima na nagtamo ng limang tama ng bala ng baril ay nakilalang si Celso M. Limbo, 44, samantala, ang tatlong rebelde na pawang miyembro ng Sandatahang Yunit Pampropaganda (SYP) ng Soliman ay mabilis na nagsitakas sa hindi mabatid na direksyon.
Base sa ulat ng Marinduque PNP, ipinatupad ni Reynaldo Lacerna, alyas Ka Raymond ang desisyon ng kangaroo court na patawan ng kamatayan ang biktima dahil sa pagiging asset ng militar at nagre-recruit ng mga kabataan para sumapi sa CAFGU. (Ulat ni Ed Amoroso)
Si Edgar Martillano, may asawa at residente ng Rapu-Rapu, Albay ay pinagtulungang tagain ng jungle bolo nina Juan Paga, Sr. at anak na si Juan, Jr. bandang alas-10:30 ng gabi sa tindahan ng kanyang kapatid na si Mila Martillano.
Ayon sa ulat ng pulisya, dahil sa namuong matagal na alitan kaya naganap ang krimen at kaagad namang sumuko ang amang suspek, samantala, ang anak nitong si Juan Jr. ay kasalakuyang tinutugis ng pulisya. (Ulat ni Ed Casulla)
Parang kinatay na baboy ang biktimang si Narciso dela Cruz, binata ng nabanggit na barangay, samantala, ang mga suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang sina Florencio at Rey Dayao kapitbahay ni Dela Cruz.
May palagay ang mga imbestigador na pinagselosan ng isa sa dalawang suspek ang biktima dahil sa nililigawan nito ang babaeng balak ding ligawan ni Rey kaya pinatahimik na lamang dakong alas-7 ng umaga. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Kinilala ni SPO3 Fernando Reyes III ang biktima na si Noel Jabola, 46, may asawa at residente ng Niles St., Pleasantville Subd. ng nabanggit na barangay.
Isa sa mga suspek na si Efren Datinggino, 35, ay mabilis namang nadakip, samantala, tinutugis naman sina Mario Panganiban, Baruteng Taga, Barra Villapando na kapwa residente ng Curba, Brgy. Ibabang Iyam at Ramil Pundan ng Brgy. VIII dahil sa naganap na krimen dakong alas-7 ng gabi. (Ulat ni Tony Sandoval)