300 bata nalason sa gatas
March 12, 2002 | 12:00am
MINALIN, Pampanga Nabulabog at nagkaroon ng tensyon sa Sto. Domingo Elementary School makaraang makaramdam ng sakit sa tiyan at pagsusuka ang tinatayang aabot sa 300 batang mag-aaral dahil sa nainom na milk chocolate na donasyon ni Senator Franklin Drilon na nagresulta upang isugod ang mga biktima sa ibat ibang pagamutan kahapon.
May napaulat din na marami pang bata mula sa ibat ibang paaralan sa Pampanga ang isinugod ng kanilang guro at volunteers sa ospital at clinics dahil din sa ininom na milk chocolate na nasa tetra packs na pinaniniwalaang dinaya ang expiry date.
Ang mga tetra packs milk chocolate ay ipinamahagi ng Department of Education (DepEd) district office noong nakaraang Lunes upang ipamahagi sa mga paaralan bilang feeding program para sa mga batang mag-aaral.
Sinabi ni Abigail Santos, staff nurse sa Jose Lingad Memorial Hospital sa San Fernando City na aabot sa 150 grade schoolers ang kasalukuyang nakaratay sa kanilang emergency room kahapon pa ng umaga.
"Karamihan sa mga bata ay dumaraing nang pananakit ng tiyan at ang iba naman ay nagsusuka," ani Santos.
Ayon naman kay Felicita Zapata, isang grade 1 teacher sa Sto. Domingo Elementary School na mula sa pitong silid-aralan ay sabay-sabay na nagreklamo ang mga bata ng abdominal pain makaraang uminom ng milk chocolate na may brand name na Alaska at ang iba naman ay biglang nag-collapsed.
Nang suriin ni Zapata at ilang guro ang tetra packs ng milk chocolate, napansin nila na dating nakalagay na expiry date ay Aug. 2001 at dinikitan lang ng kapirasong papel na ang nakalagay ay Aug. 2002.
Sa pahayag naman ni Benalfre Galang, provincial administrator, na ang naturang gatas na naging dahilan ng food poisoning ay donasyon ni Senator Franklin Drilon noon pang nakaraang taon ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hindi kaagad naipamahagi at ngayong taon lamang naibigay sa mga bata, dagdag pa ni Galang.
Kaagad namang nagtungo si Pampanga Gov. Lito Lapid sa nabanggit na ospital at ipinag-utos sa kapulisan na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa naganap na pangyayari. (Ulat nina Ding Cervantes at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended