2 escort ni GMA grabe sa pagsalpok sa truck
March 11, 2002 | 12:00am
STO. TOMAS, Batangas Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan sa magkahiwalay na ospital ang dalawang driver ng motorsiklong escort ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo makaraang sumalpok sa nakaparadang truck sa kahabaan ng JP Laurel Highway kahapon ng umaga.
Si SPO2 Nicanor Silao ng Presidential Security Group (PSG) sa Malacañang ay kasalukuyang inoobserbahan sa Sto. Tomas General Hospital, samantala, si Dionisio Bancoro, Jr. ng Laguna Traffic Management Office na nakabase sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna ay ginagamot sa Mercado Hospital sa Tanauan.
Batay sa nakalap na ulat mula sa pulisya, nag-aayos ng trapiko sakay ng kanilang motorsiklo ang dalawang biktima sa daraanan ng Presidential convoy sa kahabaan ng nabanggit na highway ng mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo ni Bancoro bago nahagip ang nasa harapang motorsiklong sinasakyan naman ni Silao.
Dahil sa kapwa nawalan ng kontrol ay nagtuluy-tuloy na sumalpok sa nakaparadang truck (TVS-757 na minamaneho ni Ramon Reyes, Jr.
Napag-alaman na dadalo ang Pangulo sa ika-111 birthday commemoration ni dating pangulong Jose P. Laurel kahapon sa Tanauan, Batangas ng mangyari ang aksidente. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended