2 bihag binitay ng MILF rebels
March 11, 2002 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Dalawa sa limang bihag na lumberjacks ng mga miyembro ng rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang napaulat na binitay makaraang dukutin ang mga biktima habang nagpuputol ng punong-kahoy sa Brgy. Upper Lunday noong Biyernes.
Isa sa mga nakaligtas na biktima ay nakuhang makatakas bago isagawa ang pamamaslang sa kanyang mga kasamahan at naipagbigay kaagad ang pangyayari sa tropa ng militar na nakabase sa Sitio Sibuco, Zamboanga del Norte may ilang kilometro lamang ang layo mula sa Zamboanga City.
Kinilala ni Lt. Col. Buenaventura Pascual, Armys 44th Infantry Battalion Commander ang mga binitay na biktima na sina Manuel Midel at Regino Savedra, samantala, ang mga nakaligtas sa tiyak na kamatayan ay sina Felino Delos Reyes at Manuel Lacastesantos.
Sinabi pa ni Pascual na ang ikalimang bihag na nakatiyempong makatakas mula sa mga kamay ng rebelde ay nakilalang si Reuben Basilio.
Ayon pa sa ulat, magkakasamang nagtungo ang limang biktima sa nabanggit na barangay upang mang-hunting at mamutol ng punong-kahoy dala ang kanilang powersaw at ilang kagamitan nang harangin ng aabot sa 50 MILF rebels sa pamumuno ni Kumander Pol Manamat.
Idinagdag pa ni Pascual na ginawang parang baboy ang mga biktima mula sa naturang lugar bago isinagawa ang pagbitay.
Nabatid pa sa ulat ng militar na ang mga tauhan ni Manamat ay naghahasik ng lagim sa mga bayan Sibuco, Sirawai, Siocon at Baliguian sa Zamboanga del Norte.
Kasunod nito, may nakalap na impormasyon ang militar mula sa kanilang asset na magsasagawa ng opensiba ang mga rebeldeng MILF laban sa mga sundalo ng gobyerno at sibilyan upang sirain ang naantalang peace talks. (Ulat ni Roel Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended