^

Probinsiya

600 minasaker sa Tarlac

-
CONCEPCION, Tarlac –Tinatayang aabot sa 600 na baboy ang mapaulat na minasaker. Samantala, mahigit sa 4,000 baboy naman mula sa iba’t ibang bayan ng Tarlac ang iniulat na naapektuhan ng sakit na foot-and-mouth disease (FMD) nitong unang linggo ng buwang kasalukuyan.

Sinabi ni Dr. Lorna Baculanta, provincial veterinarian na ang ginawang pagmasaker sa mga apektadong alagaing baboy upang mapigil ang pagkalat ng FMD sa lahat ng alagang hayop sa naturang lalawigan.

Ayon pa kay Baculanta na na-monitor ng kanyang mga tauhan na may similaridad na apektado rin ng FMD ang nabanggit na bilang ng baboy sa mga bayan ng Tarlac.

Aniya na ito lang ang lalawigang matinding tinamaan ng FMD na kumalat sa piggery farms sa iba’t ibang lalawigan simula noong 1995.

Ipinahayag naman ni Mayor Benjamin Lacson na matapos na patayin ang mga apektadong hayop ay pinayagan naman ng provincial veterinarian na ipagpatuloy ang normal na operasyon ng pagtitinda ng laman ng mga hayop.

Sa inisyal na pagsisiyasat, sinabi ni Baculanta na ang pinanggalingan ng FMD bago kumalat ay mula sa pampublikong katayan ng hayop sa bayang ito kung saan ang ilang kinatay na baboy ay galing sa mga "viajero" na nagmula pa sa ibang lalawigan bago ipinagbibili sa naturang lugar.

Idinagdag pa ni Baculanta na isa rin sa posibleng pinagmulan ng FMD ay isa sa mga piggery farm sa bayang ito na tumangging isagawa ang FMD vaccination sa loob ng 20 taon.

Subalit tumanggi namang pangalan ni Baculanta ang pangalan ng may-ari ng piggery at ipinaalam lamang kay Mayor Lacson.

Dahil sa naganap na pangyayri, ipinag-utos ni Gov. Jose Yap, Sr. sa provincial agriculture office at PVO, kabilang na rin sa mga lokal na pamahalaang bayan ng animal health division na mag-set up ng animal quarantine checkpoints sa mga hoofed na hayop sa lahat ng rutang papasok at palabas ng Tarlac. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

ANIYA

BACULANTA

BENJIE VILLA

DR. LORNA BACULANTA

FMD

JOSE YAP

MAYOR BENJAMIN LACSON

MAYOR LACSON

TARLAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with