^

Probinsiya

Kinidnap na Japanese trader natagpuan sa Batangas

-
TANAUAN CITY, Batangas – Isang mayamang negosyanteng Hapones na pinaniniwalaang kinidnap noong Marso 6, 2002 sa harap ng Murase Hotel sa Salinas, Rosario, Cavite ang natagpuang buhay sa Brgy. Sambat ng Himlayan sa Tanauan Cemetery, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Francisco Rodriguez, hepe ang Tanauan City PNP station ang biktimang si Yukio Suzuki, 76, ng Saitamaken, Kumagayo, Niburi, Japan at kasalukuyang president and CEO ng Murase Hotel Care Company sa EPZA, Rosario, Cavite.

Napag-alaman na dinukot ang biktima bandang alas-5 ng hapon sa nabanggit na lugar at pinawalan lamang makaraang magbigay sa mga kidnaper ng halagang P15 milyon ransom.

Ayon sa salaysay ng biktima sa pamamagitan ng isang interpreter, may dalawa pang dayuhan ang kasalukuyang bihag ng mga kidnaper dahil sa isinakay siya sa isang van bago tinakpan ang kanyang dalawang mata.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung papaano naibigay ang ransom ng biktima. (Ulat nina Arnell Ozaeta/Ed Amoroso)

vuukle comment

ARNELL OZAETA

BATANGAS

CAVITE

ED AMOROSO

FRANCISCO RODRIGUEZ

MURASE HOTEL

MURASE HOTEL CARE COMPANY

TANAUAN CEMETERY

TANAUAN CITY

YUKIO SUZUKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with