^

Probinsiya

Cavite, Laguna pinasok na ng jueteng ni Bong Pineda

-
Pinalawak pa umano ng tinaguriang jueteng kingpin ng Central Luzon na si Rodolfo "Bong" Pineda ang umano’y illegal gambling empire nito makaraang sakupin na rin ng kanyang mga jueteng gangs ang mga lalawigan ng Cavite at Laguna kung saan kumikita ito ng P15.6 milyon kada araw.

Sa ginawang pagbubulgar kahapon ni House Assistant Minority Floor Leader at Cavite Congressman Gilbert Remulla, ang pamamayagpag nang husto ng illegal na operasyon ng jueteng ay matapos umanong manahimik si self-confessed gambling lord at dating Ilocos Sur Gov. Luis "Chavit" Singson.

Ipinahiwatig ni Remulla na tila sinasamantala ni Pineda sa kanyang illegal na aktibidades ang pagiging magkumare nila ni Pangulong Arroyo.

Sinabi ni Remula, base sa pinakahuling intelligence report na nakalap nito mula sa PNP ay hindi na aktibo sa jueteng si Singson maging sa lugar nito sa Ilocos Sur, pero kumikita umano sa operasyon ng jueteng ang kapatid nitong si Bonito Singson ng P2 milyon kada araw sa lalawigan ng Ilocos Norte.

Dahil dito, hiniling ni Remulla sa liderato ng Kamara na paigtingin ang batas laban sa illegal gambling sa ilalim ng kanyang panukalang House Bill 1581.

Sa ilalim nito, ang mga maintainer ng illegal gambling ay mapaparusahan ng 10 taong pagkakulong at multang hindi bababa sa P1M habang ang mga bookies at illegal gambling personnel ay limang taong pagkabilanggo at multang P100,000-P500,000.

Sa kasalukuyang umiiral na batas laban sa anti-gambling, ang maximum na penalty ay prison mayor o mula 6-12 taon at multang P6,000. (Ulat ni Joy Cantos)

BONITO SINGSON

CAVITE CONGRESSMAN GILBERT REMULLA

CENTRAL LUZON

HOUSE ASSISTANT MINORITY FLOOR LEADER

HOUSE BILL

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

ILOCOS SUR GOV

JOY CANTOS

PANGULONG ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with