Ang kinasuhang mga alkalde ay sina Bacarra Mayor Pacifico C. Velasco ng Ilocos Norte at Dumalag Mayor Julius F. Salcedo ng Capiz na lumabag sa anti-graft and corruption.
Si Velasco ay nahaharap sa kasong administratibo dahil sa pakikialam sa umiiral na kapangyarihan ng Sangguniang Bayan ng Bacarra at naging kasabwat din umano si Lorna Dumayag, municipal treasurer.
Samantala, si Salcedo naman ay kinasuhan ng illegal use of public funds dahil sa pagpapagawa ng public market na halagang P20,000 na dapat ay ginamit sa pagpapagawa ng lumang municipal building.
Kasama ni Salcedo sa kinasuhan ay si Herminio F. Falsis na dating municipal engineer. (Ulat ni Grace Amargo)