'Pag-kidnap' sa kaanak ng Abu ok sa AFP
March 8, 2002 | 12:00am
Ipinagtanggol kahapon ng Pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ginawang pagdukot ng alkalde ng Maluso, Basilan sa may 10 katao na umanoy sinasabing kamag-anak ni Abu Sayyaf group spokesman Abu Sabaya.
Sinabi ni Brig. Gen. Edilberto Adan, spokesman ng AFP, tama lamang ang ginawang pag-aresto ni Maluso Mayor Sakib Salajin dahil may nakabinbin namang warrant-of-arrest ang mga ito.
Itoy bunga naman ng pagkakasangkot sa pagdukot sa 17 magsasaka sa Golden Harvest, Lantawan, Basilan noong nakaraang taon.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na hindi totoong dinukot ang mga sinasabing kamag-anak ni Sabaya (hindi umano mga miyembro ng ASG) taliwas sa mga naglalabasang balita sa mga pahayagan.
Aniya, walang nilabag na batas si Salajin dahil ginagawa lamang nito ang kanyang tungkulin sa pagtulong kay Basilan Gov. Wahab Akbar sa pagse-serve ng arrest warrant.
Ang pagpapalabas ng warrant of arrest ay bunsod na rin ng aksiyon ng pamahalaan upang unti-unti nang matapos ang matagal nang suliranin sa Abu Sayyaf sa naturang lalawigan. (Ulat ni Doris M. Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest