^

Probinsiya

Negosyante dinukot ng 10, nasagip sa Cavite

-
DASMARIÑAS, Cavite – Makalipas ang may limang araw na pagkidnap, isang 24-anyos na businesswoman ang nailigtas mula sa 10 kidnappers matapos na pasukin ng puwersa ng Dasmariñas PNP ang mismong pinagtataguan ng mga suspek at kidnap victim sa Brgy. Datu Esmael ng bayang ito.

Kinilala ang biktimang nasagip na si Althea Cruz, 46-anyos, may-asawa, negosyante at residente ng Blk. 10 Lot 19 Summerwind 3, Brgy. Salitran ng bayang ito.

Samantala, lima lamang sa 10 kidnapers ang naaresto ng pulisya na nakilalang sina Virginia Quinalayo, 35, ng Blk. 18 Lot 9 Brgy. San Dionisio ng bayan ding ito at tumayong negotiator ng mga kidnapers sa pamilya ng biktima; Jamal Malawad, asawa nitong si Amina Malawad, Lominog Macaayon at Zenaida Villabrille, kapwa ng nasabing lugar, habang ang lima pang nakatakas ay nakilalang sina alyas Sonny, alyas Jayvee, alyas Malik; alyas Alapas at alyas Isra, kapwa ng nasabi ding lugar. Ang suspek ay pawang Muslim at tubong Mindoro.

Sa ibinigay na ulat ni PO2 Jo Patambang, may hawak ng kaso, kay Pol. Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, ganap na alas-9 ng gabi ng humingi ng responde ang pamilya ng kidnap victim, hinggil na rin sa hinihingian umano sila ng ransom money na halagang P300,000. para sa kalayaan ng biktima.

Si Quinalayo umano ag naging negotiator sa pamilya ng biktima. Nabatid na nitong nakalipas na Marso pa kinidnap ng mga suspek ang biktima at simula umano noon ay pinaghanda na sila ng nasabing pera.

Dito na agad na nagsagawa ng pagplano ang kapulisan sa pangunguna ni Raiding team leader na sina SPO3 Reynito Santiaguel at PO3 Delestino San Jose na naging resulta upang magsagawa ng raid sa pinagtataguang hide-out ng mga kidnapers. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

ALTHEA CRUZ

AMINA MALAWAD

BRGY

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

DATU ESMAEL

DELESTINO SAN JOSE

JAMAL MALAWAD

JO PATAMBANG

JOHN BULALACAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with