'Wonder lady' ng Bulacan
March 7, 2002 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Dahil sa may angking lihim na kaalaman ay muling nagpamalas ng kakaibang uri ng kahusayan sa pagmamaneho ng sasakyan na may takip ang dalawang mata ang tinaguriang Wonder Lady" ng Bulacan.
Kamakalawa ng umaga hanggang tanghali ay sinaksihan ng libu-libong residente at dumarayong turista ang pinamalas ni Susana Rose Rosario ng Brgy. Lugam, Malolos, Bulacan na magmaneho ng kanyang kotseng pula sa bilis na 60 hanggang 80 kilometro bawat oras sa kahabaan ng Cagayan Valley road mula sa bayan ng Baliuag patungong San Miguel.
Ayon sa mga nakasaksing residente, pitong pinagpatong na dyaryong tabloid saka tinalian ng tatlong malaking tela na may ibat ibang kulay ang dalawang mata ni Rosario upang hindi makakita bago isagawa ang driving exhibition.
Si Rosario ay nakipagsabayan sa mga driber ng sasakyan sa naturang highway na may takip sa mata ngunit walang anumang aksidenteng nangyari.
May lihim ding talento si Rosario na maaari siyang bumaril ng tao sa layong 50 metro na may takip din sa dalawang mata at nakatakdang magtungo sa ibang bansa upang magpamalas ng kanyang talento na posibleng maitala sa Guinness World of Records. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest