Biyenan todas sa manugang

LOPEZ, Quezon - Isang 53-anyos na obrero ang iniulat na pinagpapalo ng kahoy sa ulo hanggang sa mapatay ng kanyang manugang na lalaki dahil lamang sa simpleng away pampamilya kamakalawa ng gabi sa Brgy. Magsaysay sa bayang ito.

Basag ang ulo ng biktimang si Tolentino Belen, may asawa, samantalang ang suspek na tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Anastacio Malimbit, 30, trike driver sa naturang lugar.

Sa imbestigasyon ni PO3 Raul Paraiso na isinumite kay Quezon PNP provincial director P/Sr. Supt. Roberto Rosales, naganap ang krimen bandang alas-10 ng gabi matapos magtalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng biktima ngunit nailagan naman ng suspek kaya pinagpapalo ang biyenan. (Ulat ni Tony Sandoval)

Show comments