2 jailguard tinodas ng kabaro
March 6, 2002 | 12:00am
KORONADAL CITY Dalawang jailguard ng South Cotabato ang kumpirmadong itinumba ng kapwa guwardiya habang magkasamang nag-iinuman ng alak sa lungsod na ito kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt. Romeo Rufino, South Cotabato PNP provincial director ang mga biktima na sina JO1 Benito de Tomas ng Zulueta St., Koronadal City at JO1 Jordan Duhay Terol na kapwa nakadestino sa Gen. Santos City jail.
Samantala, ang suspek na mabilis naman nadakip habang papatakas ay nakilalang si JO1 Elmer Tirania na nakatalaga sa Tampakan municipal jail, South Cotabato.
Ayon sa ulat ng pulisya, niyaya ni Terol sa kanilang bahay si Tirania kasama si Tomas na mag-inuman ng alak dakong alas-7 ng gabi ngunit nakalipas ang may ilang oras ay lango na ang tatlo.
Muling nagkayayaang mag-inuman sa ibang lugar ang tatlo hanggang sa umabot ng alas-3 ng madaling-araw at sa hindi nabatid na dahilan ay pinagbabaril na lamang ng suspek ang dalawa. (Ulat ni Teng Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
21 hours ago
Recommended