Barko lumubog, 12 nasagip, engineer nawawala
March 4, 2002 | 12:00am
CEBU City Labingdalawang crew ng isang cargo ship na may lulang 10, 000 sakong semento ang iniulat na naisalba. Samantala, nawawala naman ang chief engineer makaraang lumubog ang sinasakyang barko ng mga biktima sa karagatang sakop ng Brgy. Fatima, New Washington sa Aklan kahapon ng madaling-araw.
Ang mga naisalba ng Phil. Coast Guard mula sa lumubog na M/V Friendship 7 na may bigat na 135 tonelada ay sina Jovito Oveto, Delfin Lampitao, Enrico Marte, Edwin Cantina, Billy Magdadero, Rutchero Agwanta, Edgar Romarate, Arthur Veloso, Francisco Reponte, Michael Bonlao at Pablo Tuales at isang hindi pa nakikilala.
Base sa ulat na natanggap ng radio operator ng Phil. Coast Guard mula kay skipper Jovito Cotamura, nagkaroon ng engine trouble ang kanilang sinasakyang barko kaya pansamantalang itinigil ngunit unti-unting lumulubog dahil sa lakas ng alon at hangin.
Bago pa lumubog ang M/V Friendship ay nagsilundagan na ang 12 pahinante subalit ang chief engineer na si Servando Taveros ay nawawala at kasalukuyan pang hinahanap ng mga rescue team ng Phil. Coast Guard. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Cristina Timbang | 15 hours ago
By Tony Sandoval | 15 hours ago
Recommended