Van ng Zesto juice tinangay ng mga nagpakilalang 'pulis'

GMA,Cavite - Tinangay ng apat na kalalakihan ang isang van ng Zesto juice habang ito ay nakaparada sa isang department store kahapon ng umaga.

Batay sa reklamo ng driver ng van(NNS-832) na si Soberano Villafuerte ng Brgy.Tatalon,Quezon City na kanilang ipinarada ang kanilang sasakyan sa Macro department store dakong alas-6:45 ng umaga.

Habang siya ay nagpapahinga kasama ang tatlong pahinante ay lumapit sa kanila ang isang FX na kulay abo at walang plaka na kinalululanan ng mga suspek.

Nagpakilala umano ang mga suspek na mga pulis at hiningi kay Villafuerte ang purchased orde.

Nang maipakita ni Villafuerte ang purchased order ay agad na siya ay tinutukan ng baril at sapilitang sumakay sa van ang mga suspek.

Pagdating sa barangay Reyes ay hininto ang van ng mga suspek at dito ay kinuha ang lahat ng Zesto juice na nagkakahalaga ng P.3 M at isinakay sa FX at iniwan na lang dito si Villafuerte at tatlong pahinante. (Ulat ni Cristina Go Timbang)

Show comments