^

Probinsiya

Lolo dedo, apo grabe sa 2 holdaper

-
STA. ROSA, Laguna – Isang 76-anyos na lolo ang kumpirmadong napatay, samantala ang apo nitong babae ay malubhang nasugatan makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang holdaper sa Brgy. Dita ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Si Augosto Sallvio ng Antipolo City ay namatay dahil sa tadtad ng saksak ng patalim sa katawan, samantala ang apo nitong si Jhonafe Sallvio, 26, ng Sto. Cristo, Balingasa, Balintawak, Q.C. ay inoobserbahan sa St. James Hospital dahil sa tatlong saksak sa sikmura.

Sa ulat ni P/Supt. Efren Ramos, hepe ng pulisya sa bayang ito, sumakay ng taxi ang mag-lolo mula sa US Embassy bago nagpahatid sa Centennial Airport sa Parañaque City upang sunduin ang kamag-anak dakong alas-5:30 ng hapon. Gayunman, nakiusap ang driver ng taxi sa mag-lolo na kung maaari ay isakay ang asawa niya na pinaunlakan naman ng mga biktima ngunit nagdeklara ng holdap ang mga suspek pagdating sa nabanggit na barangay na ikinasawi ng lolo dahil sa walang nakuhang malaking halaga. (Ulat ni Rene M. Alviar)

vuukle comment

ALVIAR

ANTIPOLO CITY

BALINGASA

BALINTAWAK

CENTENNIAL AIRPORT

EFREN RAMOS

JHONAFE SALLVIO

RENE M

SI AUGOSTO SALLVIO

ST. JAMES HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with