^

Probinsiya

Singaporean national inaresto, di kinidnap - BID

-
Dinakip at hindi kinidnap ang isang Singaporean sa Cabanatuan City ng mga ahente ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) dahil sa pagiging illegal alien nito sa bansa.

Ito ang mariing tinuran ni Immigration Commissioner Andrea Domingo dahil sa napaulat na kinidnap ng mga nagpakilalang ahente ng NBI at BI si Kwah Beng Kizt, 35 sa Brgy. M.S. Garcia ng nabanggit na lungsod may tatlong araw na ang nakalilipas.

Nagpalabas ng valid mission order si Domingo sa kanyang mga tauhan sa pakikipagtulungan ng mga operatiba ng Central Luzon Regional Office ng National Bureau of Investigation (NBI) na nakabase sa San Fernando, Pampanga upang arestuhin ang suspek.

Sa paliwanag ni Domingo sa mga mamahayag na walang maipakitang anumang travel document o pasaporte si Kizt nang komprontahin ng mga awtoridad kaya napilitang dakpin.

Kasalukuyan pang bineberipika ng nabanggit na ahensiya ang katauhan ni Kizt sa Singaporean Embassy kung nakatala sa listahan ng most wanted person ng International Police (Interpol).

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na si Kizt ay pinatiktikan ng mga awtoridad at positibong itinuturo ng kanilang informants na responsable sa pagpapakalat ng droga sa Cabanatuan City at karatig pook subalit pinabulaanan naman ni Kizt ang akusasyon. (Ulat ni Rey Arquiza)

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION AND DEPORTATION

CABANATUAN CITY

CENTRAL LUZON REGIONAL OFFICE

DOMINGO

IMMIGRATION COMMISSIONER ANDREA DOMINGO

INTERNATIONAL POLICE

KIZT

KWAH BENG KIZT

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REY ARQUIZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with