Ina tinodas ng anak bago nag-suicide
March 2, 2002 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Isang lalaki na umanoy may "sayad" sa pag-iisip ang nag-suicide sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo matapos na barilin din hanggang sa mapatay nito ang sariling ina sa loob mismo ng kanilang bahay sa Brgy. San Matias, Sta. Rita, Pampanga, kamakalawa.
Sa ulat na tinanggap ni Pampanga PNP provincial director P/Sr. Supt. Ismael Rafanan, idineklarang patay matapos na isugod ng kanilang kamag-anakan sa Diosdado Macapagal Memorial Hospital (DMMH) ang mag-inang sina Francisco Dicuangco, 29 at Leticia Dicuangco, 54 ng naturang lugar.
Ayon sa pagsisiyasat ni P/Chief Insp. Rolly Mendoza, hepe ng Sta. Rita Police Station, ganap na alas-8:15 ng gabi habang masayang nanonood ng telebisyon ang matandang Dicuangco kasama pa ang bunsong anak nito na si Leonor, 14, ng biglang pumasok sa loob ng bahay ang suspek at mabilis na pinaputukan nito ng malapitan ang kanyang ina.
Sinabi pa sa ulat na matapos mapatay nito ang kanyang sariling ina ay nagbaril din ito sa kanyang ulo.
Nabatid pa sa ulat ng pulisya, na ang suspek ay labas-masok na sa Mariveles Mental Hospital sa naturang lalawigan dahil sa kanyang taglay na sakit sa pag-iisip. (Ulat ni Jeff Tombado at Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest