3 'hijacker' na pulis nadakma
March 1, 2002 | 12:00am
CAMP HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlong pulis na miyembro ng San Rafael Police station na isinasangkot sa malawakang hijacking sa Bulacan ang dinakip makaraang ituro ng driver at pahinante na hinayjak ng mga suspek sa isinagawang police line-up kamakalawa.
Kinilala ni Bulacan PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Edgardo Acuña, ang mga suspek na sina PO1 Roderick Venturina, PO2 Ricardo de Guzman at PO3 Jaime Tadeo, kasunod na sinibak sa puwesto ang kanilang hepe na si P/Chief Insp. Carlito Marquez dahil sa command responsibility. Samantala, nakilala naman ang nag-akusang driver ng Isuzu truck (DSC-689) na si Bernardo Carpio at pahinanteng si Leonardo Catalliori.
Batay sa reklamo ng mga biktima sa pulisya, hinarang ng mga suspek ang truck ni Carpio na may kargang mga manok noong nakaraang Pebrero 19 sa kahabaan ng Doña Remedios Trinidad, San Ildefonso, Bulacan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended