^

Probinsiya

Preso sa CIDG 4 pumuga o pinapuga?

-
Pinaniniwalaang may misteryong bumabalot sa kaso ng isang lalaki na may kasong large scale estafa na nalambat ng mga ahente ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG 4) noong Agosto, 23, 2001 na nagawang tumakas o pinatakas nitong nakaraang Pebrero 1, 2002 sa kinapipiitang kulungan.

Si Felino Rodriguez, 31 na inisyuhan ng warant of arrest ni RTC Judge Juanita T. Guerrero sa kasong large scale estafa at walang rekomendasyong piyansa ay pinaniniwalaang nakipagsabwatan sa ilang mataas ng opisyal ng CIDG 4 upang maisagawang pumuga noong Pebrero 1, 2002 dakong alas 4:30 ng hapon.

Sa nakalap na impormasyon na may kumakalat na balita sa loob mismo ng tanggapan ng CIDG 4 na nagbigay ng halagang P.1 milyon si Rodriguez upang makaiwas sa mga nabiktima nito kabilang na si Yolanda ng San Pedro St., Cabilang Baybay, Carmona, Cavite.

Si Yolanda na naging kapitbahay ni Rodriguez ay magsasadya at balak na humingi ng tulong kina CIDG Director Nestorio Gualberto at PNP Chief Director Leandro Mendoza na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa misteryosong pagkawala ng akusado sa kamay ng mga awtoridad.

Nabatid na si Rodriguez ay nakatakdang dumalo sa pagdinig ng kanyang kaso kahapon sa sala ni RTC 4th Judicial Region Branch 37, Calamba City, Laguna at sa darating na Abril 23, 2002 sa Calamba MTC.

vuukle comment

CABILANG BAYBAY

CALAMBA CITY

CHIEF DIRECTOR LEANDRO MENDOZA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR NESTORIO GUALBERTO

JUDGE JUANITA T

JUDICIAL REGION BRANCH

PEBRERO

SAN PEDRO ST.

SI FELINO RODRIGUEZ

SI YOLANDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with