Singaporean national dinukot ng 'NBI'
March 1, 2002 | 12:00am
CABANATUAN CITY Dinukot ng siyam na kalalakihan na nagpakilalang mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) ang isang Singaporean national sa Brgy. M.S. Garcia ng lungsod na ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Kwah Beng Kiat, 35, may asawa at residente ng Purok 7 ng nabanggit na barangay. Samantala, isa sa mga suspek ay nakilalang si Felimon Quiambao, 40, tubong Sta. Maria, Macabebe, Pampanga at residente rin ng naturang lugar.
Si Quiambao ay positibong kinilala ng ilang kapitbahay at kaanak ng nobya ni Kiat na isa sa mga kidnaper.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Cabanatuan PNP, isinagawa ang pagdukot bandang alas-11:30 ng umaga na nagpakilala ang mga suspek sa mga residente ng naturang lugar na mga ahente ng NBI, BI at aalamin lamang ang legalidad nang pagtira ng biktima sa bansa.
Nabatid pa sa ulat na isinakay ang biktima sa pick-up (CML-702) na sinudan ng kulay asul naTamaraw FX (CRZ-524) at isang pajero na walang plaka.
Mariing itinanggi naman kahapon ng pamunuan ng NBI at BI na nakabase sa Cabanatuan City ang nabanggit na isyu. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am