Idineklarang patay sa St. Dominic Hospital ang biktimang si Jesus Villamayor, biyudo at residente ng Sitio Kanluran, Brgy. Habay, Bacoor, Cavite.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Magno De Villa, naganap ang pangyayari bandang alas onse ng gabi na pinalalagay na opisyal ng barangay na lango sa alak ang driver ng sasakyan na nakasalpok sa biktima dahil hindi ito tumigil bagkus ay nagtuluy-tuloy na tumakas. (Ulat ni Mading Sarmiento)