54 bomba nadiskubre sa Boyscout jamboree site
February 27, 2002 | 12:00am
BATANGAS CITY Tinatayang aabot sa limamput apat na sinaunang bomba at rocket launchers ang iniulat na nadiskubre ng mga tauhan ng PNP Bomb Disposal Unit sa Provincial Boyscout Jamboree site sa Brgy. Bolbok sa bayang ito noong nakaraang linggo.
Ayon sa ulat ni P/Supt. Rolando Lorenzo, Batangas PNP provincial director na ang mga vintage bomb ay nahukay sa may 14.7 ektaryang lupain na kinatatayuan ng bagong Batangas Sports Complex sa nabanggit na barangay.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na bago pa madiskubre ang 54 bomba ay may naunang nahukay na dalawang bomba ang mga nagtatayo ng tent kaya kaagad naman ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang nadiskubreng bomba.
Gayunman, nangangamba ang organizer ng Provincial Boyscout Jamboree sa nakaambang panganib laban sa mga kalahok ng nabanggit na okasyon.
Kaagad namang ipinag-utos ni P/Supt. Restito Hernandez, hepe ng pulisya sa lungsod na ito na kordonan ang mga lugar na inaakalang delikado.
Pinayuhan din ni Hernandez ang lahat ng kalahok sa Jamboree na manatili na lamang sa mga piling lugar upang maiwasan ang aksidente. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am