Ngunit ipinaabot ng mga kidnaper na handa ang kanilang grupo na makipagnegosasyon lamang kina Palembang Mayor Samrod Mamansual at Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza para sa pagpapalaya nina Carlos Belonio at Jae Kwon Yoon.
Ayon sa isang Catholic Missionary na ayaw ipabanggit ang pangalan na hindi gusto ng mga kidnaper na pumapel ang pulisya sa pagpapalaya ng mga bihag.
Magugunitang nagpalabas ang Palembang Municipal Court ng warrant of arrest noong nakaraang linggo laban kay Tigre Jikiri, lider ng MILF na responsable sa pagdukot sa dalawang biktima.
Samantala, nagpadala sa mga awtoridad ng surrender feelers ang ilang kasamahan ni Jikiri dahil sa patuloy na pagtugis ng 6th IDs sa kanilang grupo na pinalalagay na hirap na sa katatago.
Ayon naman sa isang 40-anyos na public school teacher mula sa Palembang na hindi sinsero ang pagsuko ng mga kidnaper dahil lamang sa pressure ng tropa ng militar na tumutugis.
May kumakalat namang balita na ang mga kidnaper ay humihingi ng P30 milyon ransom upang mapalaya sina Belonio at Jae. (Ulat ni John Unson)