Truck hulog sa bangin: 1 patay, 3 grabe

Isang 17-anyos na lalaki ang nasawi habang tatlo pang iba ang malubhang nasugatan makaraang mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck sa Brgy. Mambacag, Tuao, Cagayan kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jose Estrada, Jr., samantala, bineberipika pa ang mga pangalan ng tatlong nasugatang biktima.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang aksidente dakong alas-3 ng hapon makaraang mawalan ng giya ang truck (BAT-980) na minamaneho ni Arsenio Libungan, 46 habang tinatahak ang papaitaas na kalsada ng nabanggit na barangay. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments