Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jude Tejada na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib ay inoobserbahan sa St. Jude Hospital sa kapitolyo ng Kalibo.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-12 ng tanghali sa loob mismo ng bahay ng pamilya Tejada sa Brgy. Laguin, Banua East , Numancia.
Napag-alaman na lango sa alak na dumating ang batang Tejada sa kanilang bahay saka nagwala at nagmumura.
Di pa nakuntento ay nagbasag pa ng kasangkapan at inawat ng ama si Ramon,56.
Subalit ayaw di pa rin nagpaawat ang biktima kaya napilitan ang suspek na ilabas ang nakatagong baril at pinaputukan ang anak. (Ulat ni Joy Cantos)