Anak na nag-amok binaril ng ama
February 24, 2002 | 12:00am
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang 23-anyos na binata na nag-amok makaraang barilin ng sariling ama dahil sa pagtangging magpaawat ito bunga ng sobrang kalasingan sa Numancia, Aklan kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jude Tejada na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang dibdib ay inoobserbahan sa St. Jude Hospital sa kapitolyo ng Kalibo.
Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-12 ng tanghali sa loob mismo ng bahay ng pamilya Tejada sa Brgy. Laguin, Banua East , Numancia.
Napag-alaman na lango sa alak na dumating ang batang Tejada sa kanilang bahay saka nagwala at nagmumura.
Di pa nakuntento ay nagbasag pa ng kasangkapan at inawat ng ama si Ramon,56.
Subalit ayaw di pa rin nagpaawat ang biktima kaya napilitan ang suspek na ilabas ang nakatagong baril at pinaputukan ang anak. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am