^

Probinsiya

Killer ng paslit hinatulang mabitay

-
TACLOBAN CITY – Hinatulang mabitay ang isang 45-anyos na lalaki makaraang mapatunayan ng korte ang akusado na pumatay ng isang apat na taong gulang na batang lalaki noong Agosto 20, 1995 sa Sitio Batang Guti, Brgy. Uban, Babatgon, Leyte.

Sa 14-pahinang desisyong nilagdaan ni Regional Trial Court Branch 6 Presiding Judge Santos Gil na bukod sa ipinataw na bitay kay Fortunato Emnas ay pinagbabayad pa ng halagang P50,000 sa mga naulila ng biktima bilang indemnity.

Ipinaliwanag ni Judge Gil na ang akusado ay gumamit ng lakas maliban sa hawak na itak laban sa biktima na napatay ng walang kalaban-laban.

Base sa record ng korte, naganap ang krimen bandang alas- 11 ng gabi makaraang atakihin ng magkapatid na Emnas ang bahay ni Efren Hermano, ama ng biktima hanggang sa mapatay nito ang bata.

Pinaniwalaan naman ng korte ang mga testigo ng biktima, samantala ang alibi ng mag-utol ay ibinasura dahil sa hindi kapani-paniwala.

Habang dinidinig ang kaso ng magkapatid na Emnas ay umamin sa krimen si Ronulfo Emnas, kapatid ni Fortunato upang bumaba ang hatol sa habambuhay na ngayon ay nasa Abuyog Leyte Penal Colony sa kasong homicide, samantala, si Fortunato naman ay bitay. (Ulat ni Miriam G. Desacada)

vuukle comment

ABUYOG LEYTE PENAL COLONY

EFREN HERMANO

EMNAS

FORTUNATO

FORTUNATO EMNAS

JUDGE GIL

MIRIAM G

PRESIDING JUDGE SANTOS GIL

REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

RONULFO EMNAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with