Aide ng vice-governor, tinodas ng NPA
February 23, 2002 | 12:00am
MANITO, Albay Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang security aide ng vice-governor ng Albay ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA), samantala, isa pa ang malubhang nasugatan habang ang biktima ay nagpapatupada sa Sitio Balading, Brgy. Iba sa bayang ito kamakalawa ng hapon.
Aktibong miyembro ng CAFGU ang biktimang si Edwin Dajac, 38, may asawa, security aide ni Vice-Governor James Calisin at residente ng Poblacion, Manito, Albay, samantala, ginagamot naman sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang sugatang biktima na si Elias Abellano ng Brgy. Nagotgot dahil sa tinamong tama ng ligaw na bala ng baril.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pananambang bandang alas-3:45 ng hapon habang nagpapatupada ang biktima at naghahanda sa nalalapit na kapistahan.
Lingid sa kaalaman ng biktima ay minamatyagan na siya ng limang kabataang lalaki na pawang miyembro ng NPA rebels na nasa ilalim ng test mission.
Napag-alaman pa sa impormasyong nakalap ng pulisya sa mga residente na nakaabot na sa kaalaman ng kilusang makakaliwa ang pang-aabusong ginagawa ng biktima laban sa mga residente kapag ito ay nalalasing sa alak kaya isinailaim sa masusing paniniktik ng NPA bago isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Ed Casulla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended