Shoot-to-kill sa killer ng Lian mayor
February 22, 2002 | 12:00am
BATANGAS Nagpalabas ng shoot-to-kill order ang Batangas PNP Provincial Command kasabay ng intensiyong sumuko anumang oras ngayon ang killer ni Lian Mayor Sixto Vergara sa pamunuan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sinabi ni CIDG Director Nestorio Gualberto na tumawag sa kanya si Lorenzo Tolentino upang ipaalam na susuko na siya kay P/ Supt. Maximo Malabanan, hepe ng CIDG sa Region 4.
Si Tolentino na dating kagawad ng pulisya ay positibong itinuro ng asawa at mga anak ni Mayor Vergara na bumaril at nakapatay sa biktima sa harap ng kanilang bahay sa JP Laurel St., Poblacion noong Lunes ng madaling-araw.
Idinagdag pa ni Gualberto na kahit na nagpahayag ng pagsuko si Tolentino ay nagsasagawa pa rin ng malawakang pagtugis ang pinagsanib na puwersa ng CIDG at Lian PNP sa mga pinagkukutaan ng suspek sa Batangas at Metro Manila.
Magugunitang binawian ng buhay si Mayor Vergara habang nilalapatan ng lunas sa Apacible Hospital sa Lian, Batangas dahil sa tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.
Bukod sa pagpatay kay Mayor Vergara, si Tolentino ay pangunahing suspek din sa pagpatay sa isang tauhan ng CAFGU noong 1991 hanggang sa masibak sa serbisyo.
Kasunod nito, galit na sinabi ni Mrs. Vergara na hindi siya papayag na makulong lamang ang suspek, "buhay ang inutang niya, dapat buhay din ang kabayaran," ani Pacita, asawa ng mayor.
"Ako mismo ang babaril sa kanya sa loob ng kanyang selda," paiyak na dagdag pa ni Pacita.
Napag-alaman na lingid kay Mayor Vergara na may kahihinatnan ang pakiusap nito sa kanyang tiyahing si Celing Rivera na bilhan siya ng Barong Tagalog na yari sa "piña" sa bayan ng Taal, Batangas na nagbabadya ng kamatayan. (Ulat nina Ed Amoroso at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended