Rapist na ama pinatay ng NPA

Isang buhong na ama na pinaniniwalaang gumahasa ng sariling anak ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Tanguban, Brgy. Umagos, Lagonglong, Misamis Oriental kamakalawa.

Tadtad ng tama ng bala ng baril ang biktimang si Nardo Compisto, 47 na kumalat sa mga kapitbahay ng biktima na responsable sa panghahalay sa anak kaya sinentensiyahan ng mga rebelde.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo,bandang alas-2 ng hapon nang pasukin ng mga NPA ang bahay ng biktima at saka sunod-sunod na pinagbabaril. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments