Ito ang ipinahayag ni HUDCC Chairman Mike Defensor na kasalukuyan ding Chairman of the Board ng HLURB.
Napag-alaman na napagkaisahan ng Board na aprobahang i-affirm ang naging desisyon ng Expanded National Capital Regional Office ng HUDCC (August 3, 2000) na bayaran ng Philjas developer ang damages sa mga biktima ng Cherry Hills.
Sa naging desisyon ng Board sa Philjas Corp. na i-refund ang lahat ng payments ng mga nagreklamo at ang halagang P.1 milyon bilang attorneys fees.
Kinansela rin ng Board ang lisensya sa pagbebenta at Certificate of Registration ng Philjas Corp.
Sinabi pa ni Defensor na may kasunod pang resolusyon ang Board na nag-aatas sa mga biktima ng "exemption from filing of fees according to the Constitutions basic principle of upholding social justice".
Ang naturang resolusyon ay inaprobahan nina Board Members Jose Calida ng DOJ, Eduardo R. Soliman ng DILG, Augusto Santos ng NEDA, Board Commissioners Romulo Fabul, Teresita Desierto, Francisco Dagnalan, Roque Arrieta Magno at Chairman Mike Defensor.