Mag-utol tinodas ng 10 tinedyer
February 21, 2002 | 12:00am
DAVAO CITY Napagtripang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang magkapatid na lalaki , samantala, isa pa ang malubhang nasugatan ng sampung tinedyer na pinaniniwalaang mga lango sa droga habang ang mga biktima ay papauwi mula sa dance party sa Brgy. Talomo malapit sa San Lorenzo Parish Church ng naturang lungsod.
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Erwin delos Reyes, 23 at kapatid nitong si Ermio, 19 na kapwa residente ng San Juan Village, samantala, ang kasama ng mag-utol na nasawi ay nakilalang si Chester Inso ng Bago Aplaya, Matina na kasalukuyang inoobserbahan sa Davao Medical Center dahil sa tinamong saksak ng patalim sa kanang kilikili.
Sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mga biktima nang harangin ng mga suspek noong Lunes ng gabi sa panulukan ng nabanggit na barangay.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay bigla na lamang pinagpapalo at sinimulang pagsasasakin ng mga suspek ang mga biktima ngunit si Inso ay nakatiyempong tumakas kahit na may tama ng saksak.
Napag-alaman pa sa ulat ng pulisya na ang nakababatang kapatid ni Erwin ay nakuha pang makatakbo ng may ilang metro kahit na may mga sugat na ito sa katawan ngunit inabutan pa ng mga suspek saka tinuluyang patayin.
Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, dalawa sa sampung suspek na pawang estudyante sa high school at miyembro ng "Notoryos Gang" ay nakilala lamang sa mga pangalang Doydoy at Michael na ngayon ay nakakulong sa Talomo Police Station.
May palagay ang pulisya na nagkaisa ang mga suspek na kung sino ang unang mamataan na tao sa kahabaan ng kalsada ay dito isasagawa ang thrill killing. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
13 hours ago
Recommended