Pusher lumaban ng barilan sa pulis, patay
February 20, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Isang 51-anyos na lalaki na pinaniniwalaang pangunahing nagpapakalat ng droga sa kanilang lugar at karatig pook ang iniulat na nasawi makaraang makipagbarilan sa pulisya habang isinasagawa ang warrant operation sa Barangay Salitran 2 ng bayang ito kahapon.
Ang biktima na nagtamo ng dalawang tama ng baril sa mukha ay nakilalang si Antonio L. Humanan, alyas Tonyong Hapon at residente ng Barangay Salitran 1 ng naturang lugar.
Nabatid na si Humanan ay may tatlong kasong nakabinbin sa korte at kasalukuyang may kumakalat na balita na siya ang responsable at supplier ng droga sa kanilang barangay.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay na isinumite kay P/Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, kasalukuyang isasagawa ang pagdakip sa biktima bandang alas-3:15 ng hapon sa mga kasong kinakaharap nang magpaputok ito mula sa kanilang bahay.
Dahil sa sunod-sunod na putok ang sumalubong sa mga arresting officer mula sa PNP-Special Operation Group ay napilitan na lamang gumanti ng putok hanggang sa dumulagta na lamang si Humanan na may tama sa mukha. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Cristina Timbang | 11 hours ago
By Doris Franche-Borja | 11 hours ago
By Cristina Timbang | 11 hours ago
Recommended